“SIR, CRUSH KITA”   

Ako muna ay magpapakilala.

Ako nga pala’y isa sa’yong tagahanga,

Tagahangang nangangarap na,

Isang araw na maging akin ka.

 

Mula ng pumasok ako dyan sa paaralan.

Kung saan dun una kitang nasilayan

Ikaw ang paboritong titigan

San dako ka man

 

Maaaring hindi, maaring alam mo

Na ika’y mahal ko

Ngunit isang araw nagtanong ka kung sino ang crush ko

Dagliang sinagot naman ng mga abnormal na kaibigan ko.

Na ikaw daw ang crush ko.

 

Ngayo’y walong taon na akong humahanga sayo,

Ngunit mula ng malaman mo

Ako’y nagwalang kibo

At nanatiling nakatikom ang bibig ko.

Dahil nahihiya ako sayo

 

Para lang makapagmensahe sayo

Hinihintay ko lang ang mga special na kaarawan para magawa ito,

Baka kase isipin mo pumaparaan ako

Para makalandi sayo

 

Alam ko walang mabubo na TAYO

Dahil mananatiling ako’y estudyante mo

At ikaw ay guro ko.

Ngunit maniwala ka sa hindi

Sir, ikaw ay crush ko.

 

 

 

 

  “SA TULA”             

Idinaan sa tula ang nararamdaman ko

Dahil nahihiyang umamin sayo

Sapagkat magmumukhang katatawa ako,

Dahil para sayo ito’y isang biro

 

Sa tula ko man madalas idaan ito,

Minsa’y isa sa status sa fb ko

O di kaya naman ay kinakausap ko

Ang napakagwapong litrato mo

 

Na para ba’ng isang totoong scenario

Na magkaharap tayo

Nagmumukha man tanga

Ngunit dun ako masaya

 

Minsan ay asyumera,

Nangangarap na mapasakin ka

Pero magkakatotoo ba

O hanggang pangarap lang kita.

   “KAPAG PWEDE NA”

Gusto kita at mahal kita,

Ngunit bawal aking nadarama.

Okay lang ba na umasa,

Nagbabasakali na isang araw ay pwede na.

 

Pwede na ang ibigin ka,

Ngunit pareho ba ng nadarama.

Baka kase mahal kita pero

Mahal mo ay iba.

 

Nagbabalak umamin,

Ng aking pagtingin

Ngunit nangangamba na baka di mo pansinin

Sa halip ay gawing biro at ako’y tawanan din.

 

Maasasaktan lang ang damdamin,

At mapapahiya sa iyong paningin

Kaya ito’y mananatiling lihim

Hanggang pwede na ang sinisigaw ng damdamin.

“LIHIM na PAGTINGIN”

Sa isip ko’y palaging may katanungan,
Puso’t isip ko hindi ka nais na makalimutan.
Kay hirap ipaliwanag, ang aking nararamdaman
Mahal kana yata nitong lubusan.

Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi.
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay manatili.
Pangako sa sarili’y ikaw ang una’t huli,
Pagmamahal sayo’y walang mali.

Araw sa piling mo’y may hatid na saya,
Pananaw sa buhay ikaw ang kasama,
Sa Panginoon palagiang nagpapasalamat,
Sa biyayang ikaw nasa aki’y sapat.

Sa mga mata ko ay anong ligaya.
Ang inihahandog ng bawat makita.
Ikaw sa puso ko’y nakaukit na,
Kaya wag mo’ng kalimutan “MAHAL NA MAHAL KITA”